Saturday, October 18, 2008

...nakakahingal na

...konti pa...kunting-konti na lang, malapit na; malapit ko ng maabot ang minimithiing tagumpay. HALA!!bakit naman ganun, ako lang ang kumikilos para muling itaas ang Basilan. minsan pa nga hindi nila yun nakikita. nakakapagod talaga, isipin niyo sa paggising ko at pagkatapos ko magdasal ay isa lang ang parating pumapasok sa isip ko, sana hindi masira araw ko. bakit? kasi pagnasira araw ko hindi lang ako ang mahihirapan at magkukumahog, kaming lahat. nakakainis talaga ang buhay...nakakahilo na nga eh, paikot-ikot lang tayo, lalo na tong buhay ko parang wala ng katapusan. alam ko na! nakapagisip na ako ng solusyon, hahayaan ko silang magalok sakin ng tulong, hindi ako aayaw. GO LANG NG GO! bahala sa kanila, it's all up to them if they will help me put up a new reputation in this class. isa lang ang dahilan kong bakit ko gustong gawin ang lahat ng to, simple lang dahil mahal ko ang section na to.

mahal ko ang mga kaklase ko

(except for one, dahil he's not a student, his a useless dirty old ignorant man that is not aware about the effects of his actions), mahal ko yung teachers namin(kahit minsan kasuklam-suklam talaga sila, mahal ko pa rin sila), and siguro everything else. this is the best section i've ever had. dito ako natutong mag-stand up sa pinaniniwalaan mo, dito ko natutunan ang lahat tungkol sa pagmamahal ng kaibigan at higit sa lahat dito ko natutunan na sa bawat pagkadapa ay kinakailangan nating tumayo dahil meron pang mas mahalagang bagay ang nagaantay sa atin. mas mahalaga pa kaysa sa bawat luha ng winawangis. kanina nagpraktis kami para sa contest sa a.p. masaya. sobrang saya. halos tapos na namin. marami na naman kaming natutunan, ngunit ang isang bagay na pinakanatutunan namin ngayong araw ay ang paghirapan ang lahat ng bagay. hindi mo makukuha ang iyong minimithi sa isang kisapmata. grabe...

!!! gusto ko ulit pasalamatan si kirby (for the third time) PINAHIRAM NIYA SAKIN UNG EXTRA BATTERY NIYA...bwaaa... haha, andami kong utang hindi lang sa'yo kirby, kundi sa buong basilan na rin. babawi tayo, babangon tayo, gagawa tayo ng ating sariling reputasyon.

**Panginoon, tunay nga pong ipinagpapala niyo ang bawat isa sa amin. Naging magulo po ang mga unang linggo namin sa unang taon sa hayskul. Marami po kaming naging problema, kasama na po rito ang aming pakikitungo sa bawat kamag-aral. Ngayon po tulungan niyo kaming mamuhay bilang iisa. Iisa sa mithiin yun po ang magbiga karangalan sa inyo mahal naming Ama, Amen

No comments: